C

Pinabayaang Tahanan

Pinabayaang Tahanan

Sa unang tingin, isa lamang itong bunton ng yero at baluktot na mga tabla, ngunit kung lalapit ka, makikita mong tahanan ito noon ng kung sino… isang ligtas na kanlungan… kahit na napakalayo rito. Isang luma, punit-punit na asul na love seat ang nakapatong sa balkonahe, lantad sa lahat ng elemento. Kay sarap sigurong magpahinga. Sa loob, tanging isang banig sa sahig, katabi ng isang sirang lamesa at estante ng aklat, ang nariyan—isang patotoo sa taong tumira rito, sa kanilang kagustuhan, sa kanilang mga hangarin.