C

Barung-barong ng Windstone

Barung-barong ng Windstone

Nakatayo sa gilid ng Nayon ng Windstone, may malamlam na liwanag na tumatakas mula sa mga baluktot na bintana ng barung-barong kapag dapithapon, tumatanglaw sa nakapalibot na hamog. Ngunit walang sumasagot sa pinto, at walang yabag na pumapailanlang sa loob… tanging katahimikan, malalim at nakapangingilabot. Isang kulubot na puno ang nakalantad sa labas, tila baluktot nang di-natural na wari’y pinilipit ng kakaibang kapangyarihan. Sabi ng ilan, isang mapag-isa’t nagtatagong ermitanyo ang minsang nanirahan doon; ang sabi naman ng iba, pag-aari ito ng isang manlalakbay na nagpapakita lamang sa liwanag ng buwan. Gayumpaman, laging para bang nahahalatà ng barung-barong kung ito’y binabantayan.